Supply and Demand (Poem #6)

hindi ko alam
kung susubukan ko pa ba
ibaba ang pangagailangan ko
para makaipon ka ng maibibigay mo

alam kong ubos ka na
alam kong marami akong pangagailangan
pasensya
kasi ako?
marami rin akong pagkukulang

ang hirap maging isang taong maraming kinakailangan
pero palpak rin naman kung magbigay,
paglalaanan.

pero alam ko
na kahit anong bawas ko
at kahit anong ibigay mo
patuloy pa rin ang pagtaas at pagbaba ng presyo

kaya hindi ko na alam
kung susubukan ko pa ba
o sumunod na lang
sa alintuntunin ng tadhana

baka ganun na lang

alternate:
siguro susubukan ko na lang
ibaba ang pangagailangan ko
ibaba ang presyo
hangga’t kaya ko
kasi para sa’yo naman ‘to
para sa’yo naman ‘to

Leave a comment