Ako nanaman
Ako nanaman ang nakikita niyo
Ako nanaman ang naririnig niyo
Ako nanaman ang napapansin niyo
Ang bawat maling gawain
Ang bawat salitang madiin
Ang bawat kibo na nakakaakit
Ang mga pagkakataon na hindi niyo naibigay sa’kin
Nakita niyo rin ba yung mabuti kong gawain?
Nakita niyo rin ba kung paano ako kumain?
Nakita niyo rin ba kung paano ako mapag-isa?
Narinig niyo ba noong sinabi kong “ayoko na”?
Ang pake kong laging nasa inyo
Ang pake ko na laging nasa tao
Ang pake ko para sa inyo
May pake rin sana ako sa sarili ko
Ang sarap sana mawalan ng pake
Ang sarap sana hindi madamay
Yung tipong nagmumukha ka na ngang tanga
Ikaw pa yung tinawanan dahil gusto mo magpakamatay
Kung ako naman kaya ang nangangailangan?
Kung ako naman kaya ang may kailangan?
Kung ako naman kaya tumanggi?
Kung kaya ko lang sana tumanggi
Lagi na lang akong ganito
Lagi na lang sa akin ang epekto
Lagi na lang magtitiis
Hanggang sa mawala na lang ang hinagpis
Sana hindi na lang nagtiwala
Sana hindi na lang naniwala
Sana naintindihan niyo naman lang
Sana ako na lang